medyo nahiya ako dahil indi talaga ako sanay na may ibang nakakabasa ng blog or personal blog ko lalo na kung may kaugnayan sa buhay ko kaya bigla kong inalis ang update na ito kahapon.. pero sige na nga.. bahala na si batman..
Ito na po sir Glentot, ibabalik ko na yong update ko..
------------------------------------------
Ayokong palagpasin ang araw na ito nang hindi ko nailalabas ang sigaw ng utak ko( oo na, may bibig na ang utak ko )..
Sunod sunod na araw na akong nakakaencounter ng mga bagay na nagiging dahilan ng pag eemo ko.. (gusto ko tuloy mag pahaba ng bangs at mag itim na damit at mag eye liner bigla)
Kahapon, nabasa ko ang blog ni kuya drake. Nakarelate ako ng husto.. Namawis ang itlog ko.. Naalala ko, 10years ago, parehong pareho kami ng sitwasyon.. Malaki din ang insecurities ko dahil mahirap kami noon.. Although nabibilhan naman ako ng damit pero may mga bagay parin na kulang..
"Minsan maraming masasaklap na pangyayari sa buhay ng tao, sa sobrang dami, yong highlights lang ang maalala mo.. paulit ulit.. hanggang mapapangiti ka nalang.." Sa sobrang dami talaga,wala na akong maalala.. or siguro pinilit ko nalang din kalimutan para maiwasan na ang pag eemo..
Isa yon sa mga ginawa kong daan para lalong mag sipag sa pag aaral.. Kahit na kulang ang baon, okay lang.. Kahit umitim ang batok kakalakad papasok sa skwela sa gitna ng init ng araw, okay lang..
Pumasok din ako noon na dishwasher at bantay ng computershop para may dagdag allowance at panggastos..
But wait theres more!!
Nung malapit na akong makagraduate ng highschool, nagkasakit ang tatay ko dahilan para mawalan sha ng trabaho.. Syempre, ang mahirap naming buhay, naging mas mahirap.. ang maliit naming bahay, lalo pang lumiit dahil lumipat kami dahil wala nang pambayad si erpat.. Sa masikit at mabahong bahay.. Ang mga kapatid ko, diko alam pano kumakain tuwing tanghalian.. Ako, dahil graduating ng highschool, nakatutok lang sa pagaaral at nagbubulagbulagan sa mga pangyayari.. Tuluyan nang nahinaan ng loob si papa noon, parang feeling nya, hinihintay nya nalang ang kamatayan nya.. si mama naman, busy sa pagaalaga kay papa.. Yon na yong pinakamatinding hirap na naranasan ko.. Kung kani kanino akong bahay nakikitulog dati (mga kamaganak) dahil madumi at mabaho ang nilipatan naming bahay noon.. At indi kami kasya.. Ang alam ko, hindi ko na alam kung anong nang yayari sa buhay namin noon.. At ang tingin ng ibang kamag anak namin, isa kaming hampas lupa na pwedeng utusan at katulungin.. Grumaduate ako ng Highschool na indi kasama ang magulang ko.. Suot ang blackshoes na hiniram ko sa lolo ko, pumunta ako ng graduation rites at tumanggap ng award na indi kasama sila mama at papa..
Madrama na kung madrama pero ganun tlaga yong sitwasyon noon..
Pero syempre, mahal kami ni Daddy Jesus.. dahil sa mga kamaganak din na may magandang intesyon, nag bago ang lahat.. Kinuha ako ng tita ko para pag aralin ng kolehiyo.. Kahit alam kong mahirap dahil mapapalayo ako sa pamilya ko at may iiwan ako, pumunta parin ako.. at napadpad akong baguio.. Sa isip ko, siguro obligasyon ng tanganay ang pag sasakripisyo at ayon ang ginawa ko..
Si papa naman, gumaling sa sakit nya.. at unti unti nakabangon kami..
dalawang taon, pagkatapos kong makapagtapos ng kolehiyo.. malaki yong pag babago ng buhay namin..
Kanina, pagkatapos kong mag upload ng picture nung birthday ng mama ko, nag comment ang techie kong tita.. ang pinakamabuting taong nagpaaral sa akin.. At tuwang tuwa sha dahil malaki na pinagbago ng buhay namin.. Sabi ko, indi naman possible yon kundi dahil sa kanila..
Isa pa yon sa nag pa emo mode sa akin.. Sa tuwing makakausap ko yong mga taong tumulong sa amin at sa akin, di ko mapigilang mangiyak.. DAhil habang buhay kong tinatanaw na utang na loob sa kanila kung asan ako ngayon..
At tulad ng ibang TAnganay, handa akong mag sakripisyo ng ilan pang taon para mapagtapos ang dalawa ko pang kapatid.. Although, ibang iba na nga yong buhay namin ngayon kaysa dati, indi parin ako nakakalimot na tumingin sa pinanggalingan ko.. Kung hindi ako nakaranas ng mga bagay na ganun, indi siguro ako nag sipag sa pag aaral, indi ako naging kuripot at indi ako naging matiisin.. Kaya nga naiinis ako sa mga kapatid ko pag nakikita ko na nakakalimutan nilang pahalagahan yong maliliit na bagay sa paligid nila.
Sa pagbabasa ko ng blog ni kuya drake, indi ko makakalimutan yong isang entry dun
Pagpapaalam-at-paglisan
“Kung ang buhay ko ay kasing halaga ng 10 milyon, handa kong ipalit ang buhay ko sa 10 milyon para sa pamilya ko, ganyan ko sila kamahal at ganyan sila kaimportante sa buhay ko”
Napaisip ako, kahit ako, gagawin ko yong bagay na yon para sa kanila.. Kaya nga ako nag aral at nagtrabaho kagad e.. Ilang taon pa hihintayin ko, 4 - 5 years pa siguro bago ako lumagay sa tahimik (mag karoon ng sariling pamilya at indi madeads okay?)
Buti nalang at mabait si bhebhe ko, at naiintindihan nya na madami pa akong obligasyon sa pamilya..
Sana matapos na ang emo mode na ito..
Emo emo go away. come again another day!
creepsilog
6 years ago
Wag kang masyadong mag papapaniwala sa alter ego ni Drake. Mayaman kaya talaga 'yun.
ReplyDeletePero ang two cents ko lang sayo ang buhay parang gulong minsan na flat, joke. Hindi naman parating nasa ibaba lang tayo pag nag sumikap my ginhawa. gamitin mo ang blessings na nakuha mo para sa pamilya mo. You can do it! Chin up! Hindi nakakalimot ang nasa itaas :-D
God Bless!
@ jepoy - Hahaha.. Nadenggoy ba ako ni Kuya Drake? Nainspire pa naman ako sa kanya.. Pero tmaa ka pre, hindi nakakalimot si bro!
ReplyDeletebe brave little one... make a wish for each sad little tear... lalalalala
ReplyDeleteThanks bro Chingoy! Those sad little tears made me stronger.. Salamat sa pagakyat sa aking munting pahina. :D
ReplyDeleteAkalain mo si Drakulang camelfucker pa ang naka-inspire sayo para mag-emo, sana next time yung kabastusang blog ko naman ang makainspire sayo para kababuyan rin ang post mo hahahaha sa wakas nagupdate ka rin!
ReplyDelete@glentot - hahaha.. wag ka magalala.. ngayon lang itong emo mode.. Sa susunod yong mga super fuckness story na ang mababasa mo.. at promise, mag ququote ako galing sa entry mo. Idol kita e.. wahehehehe! Salamat sa pagdalaw pare!
ReplyDeleteSiraulo ka Jepoy! Umayos ka ponkan!Ikaw ang mayaman dyan!halata naman sa katawan eh!hahaha
ReplyDeleteBro, maraming salamat,sobra naman akong natuwa kasi kahit paano ay may naibigay ako sa iyo kahit konting inspirasyon!
Alam mo maswerte ang magulang mo, kasi nararamdaman mo na ang paghihirap nila. Alam mo hindi naman nakukuha yan sa laki o dami ng naibigay mo na sa pamilya mo eh, nakukuha yan sa laki o dami ng pagmamahal mo para sa kanila.
Ako, ibat ibang kabiguan ang nararansan ko, at napakaraming mga frustrations ang dumating sa buhay ko. Natutuwa ako kasi kung sarili ko lang angn iniisip ko, baka siguro sumuko na ako sa buhay. Pero sila ang naging dahilan ko para magsumikap , sila ang naging motibasyon ko sa buhay.
Kaya gawin mo lang din silang mobitibasyon, pasasaan ba makukuha mo rin ang minimithi mo pra sa kanila.
Nakakahanga lang na ganyan na kalaki ang kagustuhan mong makatulong sa pamilya mo, alam kong magtatagumpay ka sa buhay. Basta naniniwala ako sa iyo.
Maraming salamat ha! Sobra akong natuwa sa sinabi mo!
Ingat
dapat kasi may buzzer muna para alam kung nakakaiyak o hindi...makapagprepare man lang sana ng tissue! (hikbi)
ReplyDeletei salute you! napakabait din ng tita mo na naging instrumento para makaahon kayo sa kahirapan. Alam ko na ang pressure ay nasa iyo ngayon, dahil ikaw ang panganay, pero wag ka sana mawawalan ng pag-asa kasi binigyan ka ng Diyos ng pagkakataon para i-angat ang buhay ng dalawa mo pang kapatid, at dahil dun siguradong hindi Ka niya iiwan sa laban mo. :)
nakakarelate ako! hindi ako panganay, 2nd child at ng-iisang babae... pero dahil sa nangarap ako ng magandang buhay, i tried to be strong for my family, kahit na minsan gusto ko ng sumuko...
wag makakalimot sa lahat ng tumulong sayo... heads up! :)
@kuya drake,
ReplyDeleteDati ko ba nababasa yong blog mo at natutuwa ako dahil nakakarelate ako sa mga entries mo dahil halos pareho tyo.. yon nga lang, di ka TAnganay tulad ko. hhehehe
Salamat kuya drake and keep on rockin!
Ate Roanne,
ReplyDeleteYeah! Napakabait talaga ng tita kong iyon,, kahit na batas militar yon, saludo ako dun.. hehehe.. mag popost ako ng entry kung bakit sha batas militar. Pero napakaswerte ko nga dahil tinuring nya akong tunay na anak kahit meron shang tatlo pang anak.. Hanggang ngayon, di ko makakalimutan yong utang na loob sa kanila and the best thing na gustong gusto kong naririnig from her pag naguusap kami is that she never failed to call me "anak" :D. ang sarap ng feeling ng dalawa ang nanay..hehehe
Salamat sa pagdaan. Ingat ;)