Sunday, March 14, 2010

Tito Chris

walong buwan na ang nakakalipas, nang malaman ko na buntis ang kapatid ko. Opo, sa edad na 19yrs old, ginawa na nyng lolo at lola ang mga magulang namin.. Sa una, nahirapan akong tanggapin na
(inunahan nya ako) maaga shang nabuntis. Kuya ako sa tatlong magkakapatid. At yong sunod sa akin e pinag aaral ko dati.. 1 year ago. Pero dahil mas ginusto nyang mag trabaho nalang kaysa magsolve ng simpleng accounting subject, binale wala nya ang paghihirap at sakripisyo ko (bitter lang talaga). Moving forward, ayon, nagtrabaho sha.. Honestly, medyo masama ang loob ko dahil nga inunahan nya akong bigyan ng apo sila mama madami pa shang pwedeng maachieve kung nag aral lang sha.. pero andyan na yon e.. Pero inintindi ko nalang dahil meron din shang health problem sakit sa utak. Naoperahan na ang kapatid ko sa ovary dati at natanggal na yong isa at isa nalang ang gumagana . Nakatutuwa ang metrual cycle nya, kasi once in two months. Kung iisipin, kung lahat ng babae ganun ang cycle of period, edi mababawasan ang tonetoneladang napkin na nagkalad sa pilipinas. At isa rin itong advantage sa kalalakihan dahil maiiwasan ang 12times na redtide sa isang taon.. bihira nang maririnig ang “hon, meron ako e”.

Going back, ayon, sabi ng doctora, pag nag 20 sha at indi pa nagkakaanak, baka mahirapan nang magkababy at baka magmukha na shang lady gaga inshort bading. Kaya nung nalaman nila na buntis ang kapatid ko, parang nanalo sa lotto ang nanay.. Sabi ba naman sa akin “anak, goodnews!! Buntis ang kapatid mo! Magiging tito kana!!” o diba? Bonggang bonga.. At ganun din ang tatay ko.. napasayaw sha ng paparazzi nung nalaman na magiging lolo na sha.. At ako, blanko ang expression.. Sinabi ko nalang, alam naba ng boyfriend mo? .
.
Wala akong nasabi that time, nag fast forward ang utak ko sa katotohanan na pano nila bubuhayin yong baby? E indi naman graduate yong boyfriend nya.. kinabukasan, namanhikan ang boyfriend nya, pero dahil nga may katok ang kapatid ko, ayaw nyang magpakasal.. so ayon, indi sila magpapakasal.. napagpasyahan na tumira sila sa iisang bubong. Lumayo sila ng bahay Kasabay nang medyo paglayo ng loob ko sa kapatid ko.. At sabi ko, indi na ako makikielam.. Tapos na ang pagiging kuya ko sa kanya..(pero joke lang yon syempre) Pero, indi ko pinakita na indi ako sangayon sa nangyayari at baka madepress ang kapatid ko.. Baka magmukhang ET yong pamangkin ko kung magkakataon.. At ito nga, kaninang umaga, chanan!! Nanganak na ang kapatid ko.. sabi ko, indi ako dadalaw at sisilip dun pag nanganak sha.. ayoko.. At balita ng kapatid ko, cute dw yong baby at tadyak ng tadyak (indi sha kabayo).. Indi ako excited makita yong baby.. kaya nga nag blog nalang ako e.. Wala pa din sila mama dahil pumunta sila ng hospital para tignan ang apo nila.. pero sana kinuhanan ni papa ng video yong baby little girl na apo nila.. sana may picture.. pero indi ako naeexcite Makita yong baby.. pakielam ko dun.. pero bakit ang tagal nilang umuwi.. sana nga may picture.. Ano kayang ipapangalan dun sa baby? Kamukha ko kaya? Kasi ako pinaglihian ng kapatid ko e.. sige sige sige.. excited ako pero secret lang natin ha?

7 comments:

  1. Mukhang napakabait at napakaresponsable mo namang kuya! Hehhee! Kakabilib ka talaga parekoy!hehehe

    Sige na punta ka na ospital!wag ka ng papampam dyan!

    Ingat

    ReplyDelete
  2. heheheh... ang lagay na iayn di ka pala excited...;)

    ReplyDelete
  3. ui..excited naman pala...haha

    ReplyDelete
  4. @kuya Drake = ahahah, indi nga e.. Ang kinasasama ko lang loob baka lolo na ako bago ako makapag asawa.. LOL. Nakapunta na ako ospital pero tulog naman yong baby eh :(

    @Chingay - Di naman.. Indi lang ako nag papahalata..hehehe..



    @Karen anne - eheheh.. medyo lang po. .Salamat sa pagdalaw. Balik ka ulit :D

    ReplyDelete
  5. Kunyari ka pa eh nakita ko sa FB tuwang tuwa ka! Inggit ka lang kasi wala ka pang anak hehehehehehe gawa na kasi!

    ReplyDelete
  6. baka nga named after you tol. anyway, ganyan nga ang astang kuya, may konting hasang pag nasaktan. after all the effort, ang mga kapatid will behave like that -- not as panganays. wala naman kasi silang burden. syempre may ilan-ilan dyang may pagka panganay ang asta kahit bunso.

    ReplyDelete
  7. @glentot - loko ka Glentot ah.. laglagan ba ito? hehehe.. Meron na akong anak.. madami na sila.. kaso hinahayaan ko muna mag circus sa mga tissue at kumot.. hehehe.. lol

    @Random student - baka nga named after me kasi baby girl yon.. Ang pangt naman kung baby girl tapos pangalan badong o kaya tiano? diba? hehehe..peace.. salamat sa pagdalaw

    ReplyDelete