Mag dadalawang taon na ako sa trabahong ito.. Dahil first job ko ito at dream company, unang tawag palang nila ay kagad pinuntahan ko na.. at natanggap naman ako.. So ayon, Astig at maporma ang dating. Ang gagawin lang naman daw ay mag assist sa mga end user na mag configure ng program namin at magtanggal ng virus kung sakali.. So okay lang.. At hindi required ang nakakasabog na ilong na english dahil technical support naman ito.
Okay naman ang trabaho
Pero lately, pootek, indi ko na matagalan ang pagiging demanding ng ibang kano..
"Hey, I want to talk to your manager, I have a virus" Pootek? anong magagawa ng manager namin sa virus ng PC nya, kakainin?
"your f#$@$@#$ program is not working!" sagot ko, I'm very sorry for any inconvenience this may have caused you. at sabay mute ng handset para sa isang malutong na "puki ng ina mo din, tanga, gonggong.. pakkksyeeet!" E pasaway naman kasi, pag nakita nilang indi pwede yong system nila para iinstall yong program, tuloy parin.. install lang ng install.. Ayan tuloy..
Nakakastress talaga minsan..
Bobo ako tlaga sa ingles pero aminado ako dun, at kung magalit man sila dahil dun, okay lang.. Wag lang silang parang mga kupal na mag gagalit galitan at mag mamarunong..
"I am an IT personel here and Im sure Ive done all the hard core troubleshooting to install this" tapos nang sinabi kong "what operating system are you using?"
Ang sagot "windows explorer"
tenen!! IT Personel pala ha?!
Pero ito ang malufeet..
Isang lalaking lalake na caller ang nag papatanggal ng virus infection sa kanyang computer.. Yong tipong pangalan nya, e parang badong o kaya brando.. Basta, parang maiimagine mo kagad na masculado sha at laging pawisan kung ibabase sa pangalan nya..(malakas ang imagination ko, pasensha na) So ayon, okay naman, nung matatapos na kami at tinitignan ko nalang isa isa ang mga folder para macheck kung meron pang virus, may isang folder akong di sinasadyang mabuksan.. At chanan!! Bumulaga ng bonggang bongga ang mga larawan ng mga macho papa.. Nagalit si Brando, at bakit daw pinapakielaman mo yon.. Sabi ko, chinecheck ko lang kung meron pang infected files.. pwedeng indi sa kanya ang files na yon, pero malakas ang kutob ko na si Brando ay nagtratransform sa pagiging brandonina DARNA!!
Kahit nakakainis sila minsan, iniisip ko nalang.. dahil sa kanila, may trabaho ako ngayon.. kaya kahit yan ang eksena araw araw, tuloy parin ang buhay.. kayod, kayod, kayod!
Bow
Matagal-tagal din akong nasa industriya ng Technical Support ng kung saan saang IT company, yung last ay sa isang computer company na nag sisimula sa letter D. At marami akong ganyang experience, sobrang dami! Minsan pa nga ay nakakatulugan ko ang pag swipe ng virus o pag rereformat ng OS, ang ending eh, nagagalit si kuya ng slightly bongga. Sanay lang kasi ako sa english na kabisado ko na. Gas-gas na gas gas sa akin ang litanyang "I'm sorry for the inconvinience" Tsaka "I understand were you're coming from but..." Haist! mahirap talagang kumita ng pera. Pero salamat narin dahil may pambayad ng bills.
ReplyDeletePuro typo ang una kong comment ahahaha
Bow!
natawa naman ako sa windows explorer hehe :) at defensive di brando, halatang guilty!
ReplyDeletetama, mas ok na ung ganyan kesa tabay sa kanto :)
Hahaha pakialamero ka kasi ng folder naghahanap ka talaga ng scandal eh! At kelan pa naging OS ang Windows Exploere haha sana binatukan mo sya.
ReplyDeleteganyan...tech support din ako..escalation ng mga carriers...at tangena..walang araw na hindi ako sisigaw ng ampotahng demonyo sa ilalim ng lupa...dumadami ang bobo.
ReplyDeletehahahhaa..pero in fairness, tama ka. Pasalamat nalang tayu may ganyan..kasi sila nagpapakain sa atin.ha hahay...
hang on brother. Matagal pa ang retirement years natin.ha ha ha
@Jepoy - alam ko yang D na yan.. Ayan ba yong D na nagbenta ng branch sa MOA? at naging TP? heheh
ReplyDelete@ate roanne - tama, ang mahalaga may trabaho at pambayad ng bills..
@Glentot -sariling version nya yon ng OS.. Windows explorer OS tutal IT personel naman sha e.. heheh
@the great maldito - hahaha.. nakakarelate ka din diba? mas demanding sila kasi L2 kana at nagdaan na sila sa L1. at mukhang uugatin muna tyo bago ang retirement.. hehe.. salamat sa pagdalaw :D
hahahha. natawa nman ako, pag talaga naririnig ko yang pangalang brando, machong bading ang naiimagine ko. ahhaha, nice
ReplyDeleteAng puso ang puso!
ReplyDeleteOo nga naman bakit naman ka kasi nangingialam ng mga folder ng may floder, tuloy nabubuking!hhehehe
Ingat palagi parekoy!
hello po.... napadaan lang... nangagapit bahay lang po...
ReplyDeletemangangapit bahay lang sana ako.... di ko mapigilan ang sarili ko na tumigil panandali at magbasa basa.
ReplyDeleteMahirap din ang ganyang trabaho... tagasalo ka ng galit nang mga kliyente...
galit na nagmula sa kanilang sariling katangahan....
pero sabi nga... on a lighter side... okay na din na maraming kagaya nila... dahil kung hindi..e marami tayong walang trabaho...
sorry dami ko nasabi... kala ko blog ko to eh.... sige po... punta na ako sa blog ko at dun ko to itutuloy.... hahaha
god bless....
san ka sa malaysia work? malaysia nga ba?
ReplyDelete