Showing posts with label trabaho. Show all posts
Showing posts with label trabaho. Show all posts

Wednesday, March 17, 2010

buhay trabaho..

Wala sana muna akong planong iupdate ang blog ko pero footangpashet, nanggigigil ako sa ilang nagmamagaling na whiteass na kausap ko kahapon pa. Nakakafrustrate din pala kung minsan.. Parang gusto kong sumigaw at magtatambling sa inis.

Mag dadalawang taon na ako sa trabahong ito.. Dahil first job ko ito at dream company, unang tawag palang nila ay kagad pinuntahan ko na.. at natanggap naman ako.. So ayon, Astig at maporma ang dating. Ang gagawin lang naman daw ay mag assist sa mga end user na mag configure ng program namin at magtanggal ng virus kung sakali.. So okay lang.. At hindi required ang nakakasabog na ilong na english dahil technical support naman ito.

Okay naman ang trabaho Nung una Libre ang sandamakmak ng softdrinks at inumin, perks at pwedeng magnakaw ng 50years license ng anti virus software magdownload ng kung ano anotulad ng video ng barely legal at naughty office..

Pero lately, pootek, indi ko na matagalan ang pagiging demanding ng ibang kano..

"Hey, I want to talk to your manager, I have a virus" Pootek? anong magagawa ng manager namin sa virus ng PC nya, kakainin?

"your f#$@$@#$ program is not working!" sagot ko, I'm very sorry for any inconvenience this may have caused you. at sabay mute ng handset para sa isang malutong na "puki ng ina mo din, tanga, gonggong.. pakkksyeeet!" E pasaway naman kasi, pag nakita nilang indi pwede yong system nila para iinstall yong program, tuloy parin.. install lang ng install.. Ayan tuloy..

Nakakastress talaga minsan..

Bobo ako tlaga sa ingles pero aminado ako dun, at kung magalit man sila dahil dun, okay lang.. Wag lang silang parang mga kupal na mag gagalit galitan at mag mamarunong..

"I am an IT personel here and Im sure Ive done all the hard core troubleshooting to install this" tapos nang sinabi kong "what operating system are you using?"
Ang sagot "windows explorer"
tenen!! IT Personel pala ha?!
Pero ito ang malufeet..

Isang lalaking lalake na caller ang nag papatanggal ng virus infection sa kanyang computer.. Yong tipong pangalan nya, e parang badong o kaya brando.. Basta, parang maiimagine mo kagad na masculado sha at laging pawisan kung ibabase sa pangalan nya..(malakas ang imagination ko, pasensha na) So ayon, okay naman, nung matatapos na kami at tinitignan ko nalang isa isa ang mga folder para macheck kung meron pang virus, may isang folder akong di sinasadyang mabuksan.. At chanan!! Bumulaga ng bonggang bongga ang mga larawan ng mga macho papa.. Nagalit si Brando, at bakit daw pinapakielaman mo yon.. Sabi ko, chinecheck ko lang kung meron pang infected files.. pwedeng indi sa kanya ang files na yon, pero malakas ang kutob ko na si Brando ay nagtratransform sa pagiging brandonina DARNA!!


Kahit nakakainis sila minsan, iniisip ko nalang.. dahil sa kanila, may trabaho ako ngayon.. kaya kahit yan ang eksena araw araw, tuloy parin ang buhay.. kayod, kayod, kayod!

Bow