Thursday, January 14, 2010

Tiano in Public

Indi na bago ang pagbloblog sakin.. Year 1999 nang magkaroon ako ng blog este talaarawan.. hehehe(ang jologs). Hindi pa kasi uso ang internet noon at wala pa yta ang salitang blogger nang mga panahon na iyo.. Ang malaencyclopedia kong diary ang nagsilbing kaibigan ko nung unang tungtong ko nung highschool.. Lahat ng hinanakit at gusto kong sabihin naisulat ko dun.. Simula sa unang crush ko (meron palang page dun na naglalaman ng pangalan ng mga naging crush ko nung highschool), sa unang pag tubo ng bul... este Bigote pala, at pimple (dati nung unang pag tubo ng pimple ko, sabi ko yehey, binata na ako.. kaso mashado yatang naoverwhelm, kaya indi ko naawat ang pag tubo nila.. ). At dahil punong puno ito ng impormasyon, madaming nagnasa na basahin yon..

Una, ang tatay ko.. indi sha nag tagumpay
Pangalawa, nanay ko.. indi din nag tagumpay
Pangatlo, ang kapatid kong babae, nagtagumpay sha.. pero nakatikim sha ng supper kotong na ikatalsik halos ng utak nya..


taong 2003 nang matuto akong mag computer, dahil computer related ang kurso ko, ang dating mala encyclopediang diary, naging e-diary na.. unang naging host ang livejournal.. lahat ng mga drama at sentimiento ko nung kolehiyo, nandun... Ngunit dahil sa mga di maagagandang pangyayari sa buhay at sawing pagibig,, as in suppper sawi, taong 2007, lumipat ako sa blogspot. para kalimutan ang lahat ang mag simula ng bagong buhay.. hanggang ngayon buhay ang blog na iyon, pero dahil napakasensitibo nito, ayokong ipublish sa publiko yon.. naalala ko si Glentot (wickedmouth) na pinipilit akong ipabasa ang blog na yon.. pero dahil sinabi ko na indi pwede, indi na sha nangulit.. natutuwa ako sa blog nya. at dahil pareho kaming galing baguio, nakakarelate ako sa kanya..

AT pagkalipas ng ilang taon, sige na.. ito na.. public na ng blog..
Dito magsisimula ang pagbloblog ko.. na may mga nakatingin at makakakita..

Gusto ko mag thanks sa mga nagiinspire sa akin na mag public ng blog.. indi man nila alam, pero matagal na akong nag sspy at fan ng mga blog nila

Kay glentot (wickedmouth), kay kuya sherwin (close kami) (mokong2007), at sa mga may ari ng blog na grilledbeef, gillboard, alkapon, drake, roninkotwo, pok4wang, jepoypekpek at madami pang iba..


Tenchu tenchu

9 comments:

  1. Dahil dyan may nag text!!!!

    Salamat sa pag mention sa pangalan ko at hindi ka man lang kasi nag kokoment pano naman yun. Well sige lang Sir sulat lang ng sulat... Malay mo Next week kasama ka na sa EB hehehe

    Ingats!

    ReplyDelete
  2. Ayun eh! Inspirasyon pa pala kami ngayon! Malamang puro kababuyan ang madatnan dito kung ganon hehehe More Power to your Spanking New Blog.

    ReplyDelete
  3. @pareng jepoy - nahihiya ako mag comment e.. heheheh.. pero nice nice.. sige.. try ko mag blog ng mag blog.. Maraming salamas.. Este, salamat

    ReplyDelete
  4. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  5. @glenntot, hahaha.. indi mashadong baboy, konti lang.. Wholesome ito tsong.. wahehhee

    ReplyDelete
  6. At nandyan pala sila pekpek (jepoy) at si puwet (glentot)

    Salamat sa pagsispy sa aking blog! At hayaan mo iadd kita sa blogroll ko!

    Hayaan mo lagi akong dalaw dito sa blog mo!ingat

    ReplyDelete
  7. @kuya drake - salamat sa pagdalaw :D

    ReplyDelete
  8. Tama na ang papuri kay Glentot.. hindi bagay! lols
    anu pa ba masasabi ko...
    sige, sulat lang ng sulat nalang! apiiiir

    ReplyDelete
  9. Salamat pareng Kosa! Si Glentot.. hahaha.. baet baet yan. Apir!

    ReplyDelete