Ito na ang pagkakataon ko para makabalik sa pagbloblog.. heheheh
haylavett.. BUHAY pa PO AKO..
Sa mga interesadong malaman kung saan ako napadpad.. ito na.. sA malaysia po ako na assign..
Indi naging isyu sa akin ang pagalis at pamamaalam.. Indi ako nagpahatid sa airport at super deadma lang ang ginawa ko para kunyari indi malungkot.. pero deep inside malungkot ako lalo at nahiwalay ako sa bhebhe ko at pamilya ko..
Mag 3 days palang ako dito.. Pero, super adjustment ang nangyayari.. At ngayon ko talaga masasabing mahirap kumita ng pera..
Sa totoo lang, wala namang pinagkaiba ang malaysia sa pilipinas kaya parang nasa pilipinas lang ako.. Tapos iniisip ko nalang mainit kaya laging nakabelo ang mga girls.. parang pilipinas lang kasi mga mukhang pinoy din halos yong mga locals dito (pero yong iba, mukhang arabo.. pati amoy)
Tapos right hand drive ang mga sasakyan dito.. At ang talagang kinasasama ng loob ko ay ang pagkain.. Lahat yata ng ulam lasang chicken curry, meron sabaw na lasang PEK_E_.. sa totoo lang, hirap na hirap akong mag adjust sa pagkain hanggang ngayon, at dito pumapasok ang alaala ng aking inay.. namimiss ko na ang walang kasing sarap nyang luto.. Sa isang araw, parang 2 cup lang ng rice ang nacoconsume ko (compared sa pinas na halos 5 cups and up).. Pskiramdam ko, bumagsak na ang katawan ko dahil sa ilang araw na akong di nakakakain at nakakatulog.. Namimiss ko yong buhay na pag gising, nakahanda na pagkain ko at pinag hahandaan ako ng mama ko.. tapos pag uwi pag walang pasok kinabukasan, nag papamasahe ako sa papa ko.. Habang magsisiksikan kami sa kwarto ko lahat dahil aircon day ang friday at katabi kong matutulog ang baby kong pamangkin..
Ngayon, gigising ako.. Aircon nga, pero ako lang mag isa..(kahit 24/7 bukas ang aircon dito, okay lang.. mura ang kuryente at tubig) Gigising para maligo at sa labas na kakain.. Nakakalungkot.. Buti nalang at lagi din tumatawag ang bebe ko at binabalitaan ako.. Indi pa ako homesick pero nalulungkot na ako.. NGayon ko nakikita yong buhay OFW..
Pag bibili ka sa labas, sorry ka nalang pag indi marunong mag english yong mga locals.. Sign language ang gagamitin nyo para magkaintindihan..
Ngayon, naiintidihan ko na yong hirap at sakripisyo nung mga tao na humihiwalay sa pamilya para kumita ng pera.. MAhirap talaga..
Ayoko magemo ngayon dahil super dami ng case na kailangan reviewhin at sagutan.. gusto ko lang mag paramdam sa inyo.. dahil sooner, pag bloblog lang din ang magiging libangan ko.. but not now.. Busy lang talaga ang lolo nyo..
Patikim: dahil muslim country ang Malaysia, kailangan kong maging maingat.. Sobrang ingat.. Kaya nga sa bus kanina pauwi sa bahay, madaming tao.. nakatayo silang lhat halos.. AT nakatayo din ako.. Naisip ko kasi yong kwento ng teacher ko noon, merong babaeng muslim na nahipo yong pwet ng di sinasadya tapos nagreklamo sha kaya napugot ulo yata yong lalaki na nakahipo ng pwet.. e sa bus kanina, iniisip ko baka kung saan mapadapo ang malikot kong kamay at mangyari sa akin yon.. Okay lang kung pugot ulo kagad.. e pano kung pugot ulo sa baba tapos pugot ulo sa taas.. kaya ayon, halos nag susumiksik ako sa sulok ng bus..wag lang madikit sa kanila..
MAdami pa akong maikwekwento pero not now..
Regards sa mga bloggers..
PS: nabasa ko sa FACEBOOK na tatanggalin ako sa bloglist ni kuya alex (gasoline dude) dahil di na daw ako active. .WAG PO WAG PO
BOW
creepsilog
6 years ago
Base! Malaysia pala akala ko sg! Punta ko jan sa aug :) libre mo ko haha kapal muks haha
ReplyDeleteHaha ang food lasang pekpek malamang panay ang higop mo ng sabaw no!!!
ReplyDelete