Sunday, May 02, 2010

monthsarry ng manggagawang palpak

hindi ito tungkol sa monthsarry namin ng bhebhe.. itoy tungkol sa monthsarry ko sa bagong trabaho.. kung ayaw mo sa usapang trabaho, wag mo na ituloy ang pagbbasa at maasar ka lang..

April 2 nang magsimula ako sa bago kong trabaho.. at ngayon, monthsarry ko na.. masarap lang isipin na sa kabila ng kapalpakan ko at sablay sa bagong trabaho sa loob ng isang buwan, andito parin ako.. welcoming 2nd month..

gusto ko lang balikan ang mga kapalpakan ko sa lumipas na isang buwan at fatal error po silang lahat... ewan ko ba at talaga naman yatang isa ako sa anak ng hari ng sablay..

1st week of work - petiks petiks ang buhay namin.nood nood lng ng ginagawa ng mga seniors.. tapos konting turuan ng ganito ng ganyan.. kala ko heaven na.. simula palang pala ng delubyo

2nd week - dito nag simula ang dilubyo.. dahil humahawak na kami ng mga cases at request, dito pumasok ang kapalpakan..

unang assignment, mag process at mag deactivate ng logins ng mga empleyadong nagresign at paresign na.. so ayon, pbibo effect ako dahil bago.. e pootek, dahil parang puyat na unggoy yong senior na dapat mag tuturo sakin, at parang nakatira ng katol kung mag salita, dito pumasok ang kahalagahan ng communication.. sabi nya, deactivate ko na na ang mga logins nung march at ngayong april.. so malinaw.. inulit ko pa.. deactivate march and april.. so ayon.. di na ako nag break para matapos na..

mabilis kong natapos ang gawain.. at natuwa sha.. para akong manok na hinimas himas ng amo dahil sa katuwaan nya.. at dahil 3 araw ang process ng request na deactivation, kinabukasan, relax na relax ako.. bibong bibo..


after 3 days.. chanan..
madaming managers ang kumontak sa amin.. panghapon ang schedule ko kaya wala akong idea ng pangyayari sa umaga.. pag pasok ko ng station namin, ni greet ko kagad si tl. walang response at salubong ang mala shrek nyang kilay.. so okay lang, bala di ako narinig.. pag punta ko sa station ko, lumapit ang mala adik na senior na nag turo sakin..

senior : "pre, sabon tyo.."
bakit?
Bakit mo deniactivate lahat ng mag reresign sa april 30?
E sbi mo march and april diba?
Hindi, ang sabi ko.. hanggang nung araw na yon ng april..

Dingdong.. namawis ang itlog ko..

at ang napadali sanang trabaho nya, e lalong dumoble dahil sa mala adik na pag uusap namin kung ano ba talaga ang dapat gawin..

So far, yon ang pinakafatal na nagawa ko sa nilipatan ko.. palpak na kung palpak.. pero ang pinaka masarap sa trabaho ko? yong nakikita namin yong profile nung ibang employee.. lalo na yong mga palong palo.. yong picture palang, ulam na..

Minsan ko lang ginawa ang pagtingin sa mga profile nila, ewn ko ba.. wala akong balat sa pwet pero parang may mali sa akin.. nung nag tingin ako ng profile ng isa sa employee ng kumpanya, nasakto naman ang pagdaan ng manager namin..

"Mr ______, memorize mo naba yong itsura ni Ms.________? pwede mo nang isara yan?"

Huli ka balbon.. lumalabas ang kamanyakan ko..sorry naman..

sanay makapag kwento pa ako para sa 2nd monthsarry.. sanay may trabaho pa ako sa mga panahon na yon..

==============================================

ayoko muna magkwento ng malulungkot at mga hirap na dinanas ko sa pagsisimula ko sa trabahong to.. dahil labor day naman, kaya ayan muna ang kwento ko..sa mga manggagawang pinoy, saludo po ako sa inyo.. AT Taas kamay at paang pagpupugay din po sa mga bloggers na OFW at sa lahat ng ofw.. mahirap mahiwalay sa pamilya.. nakakapraning.. nakakaurong ng itlog.. pero kaya natin to..

4 comments:

  1. Dahil malayo ka kelangan ng move mo swabe, nangyari nasakin yan dati. Oracle access naman ang tinira ko pero ang style kelangan black and white pag may iniutos ang TL mo kelangan sabihin mo paki email po ang instruction kasi yun lang ang mag save ng ass mo. Happy Labor day, at ejoy sentosa to the highest level bow!

    ReplyDelete
  2. tama si jepoy, dapat black and white, madaming beses na ko na save ng black and white na yan... esp sa mga measurements sa plano...

    ingat ka... kaya yan! hanap ka ng community na makakatulong to strengthen your faith and ung maglalayo sayo sa temptations habang malayo sa family... i joined CLP (Christian Life Program)/ SFC... so far masaya naman.

    Madami naman pinoy sa SG, it just feels like you're never far from home :) God Bless! =)

    ReplyDelete
  3. Hahaha huling huli sa pang-iistalk ng profile tsk tsk tsk yan kasi dala-dala ang kamnyakan eh hahahaha nice one

    ReplyDelete